Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Bangketa For Rent sa Taytay

Ni Angel F. Jose
admin December 11, 2022

Maging ang mga bangketa ay okupado na rin sa Taytay Tiangge lalo pa't nalalapit na ang Kapaskuhan.

SA gitna ng agresibong clearing operation sa mga bangketa at kalsada ng mga lungsod at munisipalidad, sa bayan ng Taytay iba ang inaatupag.

 Ang mga bangketa at kalsada, mistulang naglaho na.

Dangan naman kasi, okupado ng mga nagtitindang nagbabayad ng buwanang upa.

Ang masaklap, binarahan pa ng mga bagong pwestong paupahan ng lokal na pamahalaan ang entrada ng mga Taytay Tiangge kung saan tampok ang mga kasuotang gawa mismo ng mga taga Taytay.

Ang resulta, bagsak ang garment industry sa panahong akala nila’y makakabawi na sila sa dagok ng mahabang pagkakatengga bunsod ng lintek na pandemya.

Base sa dokumentong nakalap mula mismo sa mga “nangungupahan sa bangketa at kalsada” isang Armando Moises na retiradong pulis ang nagbigay pahintulot sa mga sigang Muslim sa palibot mismo ng tiangge.

Ayon naman sa isang lehitimong negosyanteng nasa loob mismo ng tiangge, isang Errol Medina ang kasador ng mga Muslim.

Sa isang Facebook post, siya rin umano ang tumanggap ng P2 milyon na paunang-bayad ng mga muslim na nakapwesto sa mga entrada ng tiangge. Sa pagsasaliksik, lumalabas na kapwa tauhan ng nakaupong alkalde sina Moises at Medina.

Ang totoo, mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paggamit ng bangketa at kalsada maliban sa itinakdang pakay ng mga nasabing istruktura – ang kalsada para sa mga sasakyan habang para naman sa pedestrian ang mga bangketa.

Nito lamang nakaraang buwan, naglabas ng direktiba ang DILG sa mga local government units (LGU). Ayon sa kagawaran, mayroon lamang 60 araw ang mga pamahalaang lokal para hawanin ang mga daluyan ng sasakyan at nilalakaran ng mga peddestrian, batay na rin sa programang Road Clearing Operation 2.0 na halaw sa Memorandum Circular 2020-145.

Ayon sa DILG, yun ang atas ng Pangulo! Pero sa Taytay, hindi na yata iginagalang ang direktiba ng Pangulo. Dapat siguro sampolan ng DILG ang mga tigasing lokal na opisyal ng nasabing bayan.

Tags: bangketa for rent taytay taytay tiangge

Post navigation

Previous DA hails outstanding women in agriculture for 2022
Next P395M worth of smuggled cigarettes to be destroyed

Related Stories

Imee Marcos caught off guard by colleagues’ sharp criticism
  • Opinion

Imee Marcos caught off guard by colleagues’ sharp criticism

Cayetano’s Failure: How Senate Leadership Enabled Bato’s Escape
  • Opinion

Cayetano’s Failure: How Senate Leadership Enabled Bato’s Escape

The Senate Holds the Verdict: What Now for VP Sara’s Impeachment Trial?
  • Opinion

The Senate Holds the Verdict: What Now for VP Sara’s Impeachment Trial?

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 28 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.