Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

33-taon ang nakalipas, ‘di pa tapos magrebisa?

admin November 21, 2021

MAKARAAN ang mahigit 33 taon, “nirerebisa” pa rin marahil ng Office of the Ombudsman ang inihaing kasong plunder o pandarambong laban sa mga dating opisyales ng Public Estates Authority (PEA) kaugnay ng ma-anomalyang pagbebenta sa isang 41.6-ektaryang reclaimed area ng Manila Bay sa isang property development corporation sa halagang P104 kada metro kwadrado.

Sa kasong inihain sa Tanggapan ng Ombudsman noong Agosto 1988, idinetalye ang sabwatang naganap sa pagitan ng pamunuan ng PEA (na ngayon ay higit na kilala bilang Philippine Reclamation Authority) na direktang nangangasiwa sa mga reclamation projects sa buong bansa at ng Manila Bay Development Corporation na umano’y “nakapaghain ng best offer” sa nasabing ahensiyang noo’y pinangangasiwaan ang reclamation project sa pusod ng kabisera ng bansa.

Sa nasabing transaksyon, hindi man lamang sumapat ang kabayaran ng MBDC upang punan ang salaping ginastos ng pamahalaan para sa pagtatabon, pagpapatibay ng pundasyon at pagpapatag ng silangang baybayin ng Manila Bay.

Ang prime property na may sukat na 41.6 ektarya ay ibinenta ng PEA sa halagang P104 kada metro kwadrado – lubhang malayo sa P41 bilyon estimated value batay na din sa umiiral na bentahan sa merkado sa nasabing lugar noong mga panahon na iyon.

Noon ding taong iyon ay isinalin ng MBDC sa pamahalaan ang halagang P427 milyon para sa 41.6 ektaryang prime real estate property.

Naitala naman ng Commission on Audit (COA) ang iniulat na halagang ginastos ng pamahalaan para sa nasabing reclamation project — tumataginting na P9.8 bilyon.

Sa kabila pa ng saku-sakong documentary evidences at sworn testimonies ng mga nagsampa ng kaso maging ng mga determinadong tumestigo, bigo pa rin ang Tanggapan ng Ombudsman na isampa ang kaso sa Sandiganbayan na may mandatong dinggin ang mga asunto laban sa mga taong gobyerno.

Sa pangangalap ng pahayag kaugnay ng nasabing ma-anomalyang transaksiyon sa pagitan ng PEA at MBDC, napag-alamang marami nang pumanaw sa mga taong nakalagda bilang complainant gayundin sa hanay ng mga taong dapat sana’y uupong testigo sa mga pagdinig. Ang ilan naman ay minabuting umalis sa Pilipinas marahil sa takot na mapagbalingan ng mga akusadong pinaniniwalaang nagkamal nang husto sa naturang transaksiyon, dagdag pa ang salaping kanilang nakuha sa kanilang pagreretiro sa government service.

Sa pagpapatuloy ng pangangalap ng iba pang detalye kaugnay ng nasabing kaso, nag-ambag naman ng kanyang kaalaman ang isang abogado (ayaw ipabanggit ang pangalan) ng isang probisyon sa Saligang Batas na nagsasabing – Article XII, Section 3, of the 1987 constitution, which prohibits private corporations from holding alienable lands of public domain except through lease.

Walang anumang deklarasyong nagbibigay kategoryang alienable and disposable sa naturang reclaimed area — nangangahulugang hindi ito maaaring ibenta ng pamahalaan kanino man.

Sa pagsasaliksik ng karagdagang impormasyon kaugnay ng naturang “lop-sided deal that saw the government at losing end”, ang Roxas Boulevard na nagsilbing starting point ng nasabing reclamation project sa pangangasiwa ng PEA ay nasa ilalim ng kategoryang “prime property, regardless of whether or not the piece of land is of natural form of reclaimed at that”.

At dahil lahat ng lupain nasa bisinidad ng Roxas Boulevard ay “prime property,” batid ng mga opisyales ng nasabing ahensiya ang halaga ng kanilang pinangangasiwaang reclaimed property batay sa dalawang pamantayan – assessed value na makikita sa talaan ng Assessor’s Office ng lungsod na sumasakop sa kanilang proyekto at ang prevailing market value na nakasandig naman sa real estate business climate, sa lokasyon at klasipikasyon nito.

Malaki rin ang ginagampanan ng mga real estate brokers, developers at ahente. Magkagayunman, “nakaligtaan” ng PEA na isaalang-alang ang projected value ng kanilang idinevelop limang taon mula nang ito’y umpisahan, sampung taon, 15 taon, 20 taon, hanggang sa kasalukuyang panahon — 31 taon na ang nakararaan.

Sa ngayon, pahirapan ang pagbili ng prime real estate piece sa nasabing lugar at kung mayroon man, ang halaga ay tinatayang hindi na bababa sa P 300,000 kada metro kwadrado batay sa pinakahuling realty deal sa nasabing lugar noong May 27, 2013 sa pagitan ng isang food and beverage company at ng MBDC.

Sa pinakahuling realty deal sa nasabing reclaimed area, ang apat na ektaryang lupain na nabili sa halagang 300,000 per square meter, ay nagkakahalaga ng P 123 bilyon.

Magkano naman kaya ang suma kung ku-kwentahin ang kabuuang 41.6 ektarya sa P 300,000 per square meter?

Post navigation

Previous Pangakong patrol cars para sa Benguet, tinupad ni Rep. Yap
Next Preserve farm lands, stop land conversion – Isko

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Thu, 30 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.