
Ogie Diaz (left) and Bea Alonzo (right)
NAGSAMPA kahapon si veteran entertainment talk show host Ogie Diaz sa P30 milyong counter-affidavit sa kasong perjury at damages laban sa aktres na si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Kasama ni Diaz ang kanyang abogado na si Regie Tongol at co-respondent Mama Loi (Loi Villarama sa tunay na buhay).
Sinabi ng mga ito na inirereklamo nila ang aktres sa “defamatory utterances” sa kanyang two counts of cyberlibelin her two counts of cyberlibel complaint.
Sa kanyang 70-pahinang counter-affidavit, sinabi ni Diaz at Mama Loi na pinalalas ng kampo ni Alonzo na sila ang lahat ng mga nagsabi ng nakasaad sa affidavit dahil hindi umano malinaw kung sino ang mga taong nanirang-puri sa aktres. Wala umanong malinaw na indibidwal kung sino ang inirereklamo nito at iniaako ng aktres ang reklamo sa kampo ni Diaz.
“They even failed to show clear and convincing proof of ‘actual malice’ whether in the form of ‘reckless disregard for the truth’ or ill-motive which is a legal requirement and standard if the complainant is a public figure. The opinions expressed by Mr. Diaz’s co-hosts on the November 19, 2022 episode were merely based on a common truthful observation of the netizens of the performance of her show, ‘Startup PH,’ as pointed out in their several comments online,” ayon sa statement na inilabas ng kampo ni Diaz at Mama Loi.
Sinabi ni Diaz na hindi kailangang matakot ang mga writers at journalists sa demanda lalo pa’t bahagi ito ng freedom of expression.
Wala rin umanong sama ng loob si Diaz sa aktres at karapatan nilang dalawa na depensahan kapwa ang kanilang mga sarili.
“Basta ang importante, sa totoo lang, hindi ako galit kay Bea Alonzo. Naniniwala ako na karapatan niya ‘yan. Kung feeling niya na nasaktan natin siya [sa mga nai-report namin], karapatan niya ‘yun,” he said.
“Karapatan din naming idepensa ang aming sarili at ipaglaban kung ano ang para sa’min. Wala akong naramdaman na galit or hate… Ayaw na naming magbuhat bangko at isa-isahin ang kabutihan na [ginawa namin] para sa artista… Kapag wala na kaming bashers, hindi na kami relevant,” ayon pa kay Diaz.