Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • OFW

Pinay caregiver sa Jordan pinatay, isinilid sa diesel tank; minor na suspect arestado

admin October 20, 2023

Ni Jet D. Antolin

WALONG taon nagtrabaho sa Jordan bilang caregiver ang 34-anyos na Pinay nang bawian ng buhay sa kamay ng menor de edad na anak ng co-worker ng biktima.

Karumal-dumal ang sinapit ng biktimang si Mary Grace Santos, single mom at may dalawang anak na nasa Pampanga.

Ayon sa report ng pulisya sa Jordan, ni-rape ang biktima, pinahirapan nang matindi at pinatay sa sakal saka isinilid sa diesel tank na nasa basement ng bahay ng amo.

Arestado naman ang Egyptian suspect na menor de edad at dahil bata pa ito, mananatili ito sa bilibid ng dalawa pang taon bago ipatupad ang parusang bitay.

Pumasok ang suspect sa bahay ng mga biktima at sinabing karelyebo siya ng tatay na hardinero. Hindi umano makapapasok dahil may sakit. Sinabi rin ng mga kakilala ng biktima na matagal nang may gusto ang suspect sa biktima.

Unang iniulat na nawawala si Mary Grace noong Oktubre 11.

Matapos ang isang araw, sa paghahanap ng mga awtoridad, bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima na isiniksik sa diesel tank.

“Anak daw po ng hardinero ng boss ng ate ko. Kaya nandun po siya, hindi daw po pumasok ang tatay niya kaya siya daw po ang substitute,” sabi ng kapatid ng biktima na si Veronica Santos.

Sinabi ni Veronica na sinikap ng kanyang kapatid na makapagtrabaho sa malayong lugar dahil sa panganay na anak na may congenital heart disease.

Ina labis ang hinagpis

Hindi naman matanggap ng ina ng biktima na si Marissa ang sinapit ng kanyang anak.

“Sa TV ko lang napapanood ang mga ganyang balita. Hindi ko akalaing mangyayari ito sa amin,” hinapig ni Marissa.

Yakap ang picture frame ni Mary Grace, umaasa sila na sa susunod na linggo ay muli nilang makakapiling ang anak dahil uuwi ito sa bansa para magbakasyon. Tatlong taon na ang nakalipas nang huli nilang makasama si Mary Grace.

“Hindi namin akalain na sa pag-uwi ni Mary Grace ay nakakahon na ito at hindi na namin muling makakasama pa,” ayon pa kay Marissa.

Nang malaman na arestado na ang menor de edad na suspect, sinabi ni Marissa na hindi sapat ang kulong lang at kung maaaring 10 beses itong bitayin ay gawin ito.

“Kung maaari lang na ako mismo ang papatay sa kanya, gagawin ko. Sobra-sobrang hinagpis ang nararamdaman ko ngayon,” ayon pa kay Marissa.

Tulong ng gobyerno

Nangako naman ng tulong ang OWWA sa pamilya Santos. Binigyan ng scholarship grant ang mga anak ng biktima gayundin ang pagtulong sa may sakit na anak ni Mary Grace.

 “Ang kapitolyo [ay] meron pong mga plano para tulungan sila, not only for this moment of grief. Meron pa po yan sa mga bata… yung dalawang batang nag-aaral pa,” sabi naman ni Pampanga PESO (Public Employment Service Office) Manager Luningning Verger.

Sinabi ng OWWA na nakatakdang dumating sa bansa ang mga labi ni Mary Grace, bukas, Sabado, Oktubre 21.

Post navigation

Previous LTFRB extends special permits validity from October 30 to November 3, 2023
Next Romualdez expects more Saudi investments to pour into PH

Related Stories

2 OFWs killed in Lebanon shooting; employer arrested
  • OFW

2 OFWs killed in Lebanon shooting; employer arrested

DMW offers financial aid to OFWs affected by Middle East conflict
  • OFW

DMW offers financial aid to OFWs affected by Middle East conflict

DMW denies OFW stranding reports amid Middle East tensions
  • OFW

DMW denies OFW stranding reports amid Middle East tensions

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 6 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.