Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • OFW

Pagbihag sa 17 Pinoy seafarer sa Red Sea kinondena ni OFW Party-list Rep. Magsino

admin November 22, 2023

MARIING kinondena ni OFW Party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ang pag-hijack sa isang cargo ship ng Houthi rebels kung saan kabilang ang mga Pinoy seafarer sa mga dayuhang bihag ng rebelde sa Red Sea.

Hiniling ni Magsino sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na masusing makipag-usap sa mga bansang nakapalibot sa lugar upang mailigtas ang Pilipinong marino.

“Bukod sa ating magiging pagbabantay sa mapayapang resolusyon sa krisis na kinakaharap ng 17 na Filipino seafarers, nais din nating malaman ang mga pangyayari sa hostage-taking at kung mayroong kapabayaang nagdulot dito.  Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng panganib na kinakaharap ng ating mga seafarers sa kanilang trabaho at ito ang isang nais natin matulungang maresolba sa isinusulong nating Magna Carta for Seafarers. Bilang Kinatawan ng ating Overseas Filipino Workers sa Kongreso at isa sa pangunahing akda ng panukala, nais natin siguruhin ng ship owners ang karapatan ng ating mga seafarers sa ligtas na paglalakbay,” sabi ni Magsino.

“Ang insidenteng ito ay napabalitang nag-uugat sa hidwaan ng ilang bansa. Kaya’t nanawagan po tayo sa mga makapangyarihang bansa na tumulong sa mapayapang pagresolba ng insidenteng ito upang mailigtas ang mga inosenteng Pilipinong marino na nadamay sa pangyayari,” ayon pa sa kongresista.

“Sa mga kapamilya ng mga biktimang Pilipinong marino, kasama ninyo ang OFW Party List sa mataimtim na pagdarasal para sa kanilang kaligtasan. Kami ay tututok at makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng agarang aksyon ang insidenteng ito at ligtas ninyong makapiling muli ang inyong mga kapamilyang seafarers,” dagdag pa ni Magsino.

Post navigation

Previous Bill penalizing inmates found in possession of drugs, guns, and ammo gets final House approval
Next Speaker administers oath of new Lakas-CMD members

Related Stories

2 OFWs killed in Lebanon shooting; employer arrested
  • OFW

2 OFWs killed in Lebanon shooting; employer arrested

DMW offers financial aid to OFWs affected by Middle East conflict
  • OFW

DMW offers financial aid to OFWs affected by Middle East conflict

DMW denies OFW stranding reports amid Middle East tensions
  • OFW

DMW denies OFW stranding reports amid Middle East tensions

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 6 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.