Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • OFW

OFW party-list nakikidalamhati sa pagkamatay ng tatlong OFW sa Kuwait fire

admin June 13, 2024

NAKIKIDALAMHATI ang OFW party-list sa pagkamatay ng tatlong kababayan dahil sa sunog sa isang mataong gusali sa Mangaf, Kuwait.

Dalawa pang Pinoy worker ang nasa kritikal na kondisyon.

“Ang kalinga ng ating pamahalaan ay dapat agarang madama ng ating mga OFWs sa ganitong mga pangyayari, kaya’t tayo’y umaasa sa mabilisang aksyon at tulong mula sa ating Embahada sa Kuwait, Department of Migrant Workers, at Overseas Workers Welfare Administration, lalo na sa pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga pumanaw na OFWs, tulong medikal sa mga nasa kritikal ang kondisyon, at sa pansamantalang matitirhan ng mga kababayang biktima ng naging sunog,” ayon kay OFW Party-list Representative Marissa ‘Del Mar’ Magsino.

“Atin ding panawagan ang mas masusing paggabay ng ating mga embahada, konsulado, at migrant workers offices sa ating mga kababayan sa pagsigurong ang mga napipiling tirahan nila sa kanilang host countries ay sumasailalim sa sapat na safety checks. Ang angkop na impormasyon  sa building safety checklist sa bawat host country ay makakatulong sa ating mga kababayan, lalo sa sa mga unang beses pa lamang naninirahan sa bansa,” dagdag pa ni Magsino.

Bukas din ang OFW Party-list sa anumang tulong na kakailanganin ng mga naapektuhang OFWs at kanilang mga kapamilya.

“Ating balutin ng dasal ang mga naging biktima ng pangyayari at ipanalangin ang patuloy na kaligtasan ng mga kababayang nagtatrabaho sa ibayong dagat,” ayon pa kay Magsino.

Tags: OFW partylist

Post navigation

Previous Barangay chair, driver shot dead in Pampanga
Next DFA condemns Houthi rebels attack on vessel carrying Pinoy crew

Related Stories

38 Pinoy crew of MV Hondius to undergo 6-week quarantine in Netherlands
  • OFW

38 Pinoy crew of MV Hondius to undergo 6-week quarantine in Netherlands

7 Filipino seafarers hurt in drone attack on ship in Strait of Hormuz — DMW
  • OFW

7 Filipino seafarers hurt in drone attack on ship in Strait of Hormuz — DMW

2 OFWs killed in Lebanon shooting; employer arrested
  • OFW

2 OFWs killed in Lebanon shooting; employer arrested

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 27 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. 스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day
  2. 실시간스포츠중계 on Wage hikes effective in Northern Mindanao, Caraga this Labor Day

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.