KINONDENA ni OFW Party-list Rep. Marissa ‘del Mar’ Magsino ang pangha-hijack sa Portuguese cargo shil na MSC Aries sa Straign of Hormuz kung saan apat na marinong Filipino ang lulan nito.
“Pang-ilang pag-atake na ito sa mga barkong lulan ang mga Pilipinong Marino. Sa geopolitical tensions na bumabalot sa mga daluyan ng shipping vessels, ang pagiging marino’y tila isang mapanganib na propesyon na sa modernong panahon. Sila’y nagiging collateral damage sa mga kaguluhang sumisiklab sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ayon kay Magsino.
“Kaya’t dapat lamang na ang kapakanan at seguridad ng Filipino seafarers ay lalong paigtingin ng ating pamahalaan. Sana’y magsimula ito sa pagpasa ng Magna Carta for Seafarers kung saan nakapaloob ang pananagutan ng ship owners sakaling may kapabayaan sa pagbaybay sa mga high risk areas,” dagdag pa ng mambabatas.
Hiniling din ni Magsino ang panawagan sa United Nations (UN), lalo na Security Council, na mamagitan sa pagbibigay ng seguridad sa mga barko na naglalayag sa mga rutang ito na siyang nakalaang baybayin sa pandaigdigang pangkalakalan.
“Napapadalas at mas mapangahas ang mga nagiging pag-atake. At malamang, hindi ito ang huling insidente kaya’t hindi dapat ito ipagsawalang-kibo ng UN, “ ayon pa kay Magsino.
Tiniyak din ni Magsino na kasama ang OFW Party List at ng buong Pilipinas sa sa matimtimang pagdarasal sa kaligtasan ng mga marinong biktima.
“Kami ay tututok at makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng agarang aksyon ang insidenteng ito at ligtas ninyong makapiling muli ang inyong mga kapamilyang seafarers,” sabi pa ni Magsino.
