HINDI umano apektado ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang official working visit sa Japan ang kaso ng Japanese fugitives, kabilang ang isang kinilalang ‘Luffy’, sa ikalawang linggo ng Pebrero.
Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Neal Imperial, hawak na ng Department of Justice (DOJ) ang kaso.
Sinabi ni Imperial na ang kaso ni Luffy at tatlong iba pang puganteng Hapones ay nakakulong na sa Bureu of Immigration sa Pilipinas ngunit nakagagawa pa umano ng serye ng pagnanakaw sa Japan.
“This is a consular matter being handled by the Department of Justice and the Japanese Embassy here, and our embassy in Japan with the Ministry of Justice of Japan,” ayon sa diplomate sa idinaos na press conference.
Ipinasa na rin ni Imperial ang kaso ng deportasyon sa tatlong Hapones sa ipinatutupad na batas ng bansa.
“We do not expect it to be raised during his [Marcos] meeting with his counterpart,” ayon pa kay Imperial.
