SINABI ngayong Sabado ng Philippine Embassy na iuuwi ang mga labi ng overseas Filipino worker (OFW) na si Wilma Abulad Tezcan, na namatay sa guho dulot ng 7.8-magnitude earthquake na tumama sa Turkiye.
Ayon sa embahana, isinasaayos na ang agarang pagpapauwi sa labi ni Tezcan base na rin sa kahilingan ng mga kaanak at kapamilya nito.
Pinayagan naman ng mister ni Tezcan ang kahilingan ng kaanak sa Pilipinas ngunit magdedesisyon pa umano sya kung paanong paraan maiuuwi ang mga labi sa bansa.
“As requested by the daughter and with consent of the husband, the Embassy is arranging the immediate repatriation of the body of Wilma Abulad Tezcan,” ayon sa kalatas na inilabas ng embahada.
Isa si Tezcan sa dalawang Pilipino na unang naiulat na nawawala at kalaunan at natagpuang walang buhay sa mga guho na kimitil na sa higit 24,000 katao.
Si Tezcan ay tubong Lucena, Quezon ay nagtungo sa Hatay province sa Turkiye’s Hatay mula Istanbul noong nakaraang buwan bago maganap ang killer quake.
Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Teresita Daza, hinihintay pa nila ang desisyon ng mga kaanak ng isa pang nasawi sa lindol.
Biniberipika pa rin umano ang lahat ng mga kaso ng nawawalang Pinoy sa Turkiye.
“[T]he Embassy’s relief, rescue, and evacuation operation is ongoing. The Embassy team is continuing to reach out to as many Filipinos in affected areas to provide assistance and evacuation if requested,” sabi pa ni Daza.
Noong Pebrero 8 ay niyanig ng 7.8-magnitude earthquake ang Turkiye na nagpabagsak sa halos 7,000 gusali roon kung saan kinukuwestiyon na ang building code at infrastructure sa naturang bansa.
