MetroSunDaily

News and Current Affairs

NBI inutusan na ilipat na sa Taguig City Jail si Vhong Navarro

NAKATANGGAP na ng kautusan ang  National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpapalipat kay actor/TV host Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Ayon sa NBI, isasailalim sa mandatory medical examination, kabilang ang RT-PCR test, ayon na rin sa health protocols.

Sinabi naman ni Maggie Garduque, legal team lawyer, na hindi pa maililipat ngayong Miyerkoles si Navarro.

“I just called NBI hindi pa naman daw today ang transfer (I just called NBI and the transfer is not today),” sabi nito.

Nang tanungin kung kalian ililipat ang aktor, sinabi nitong wala pang eksaktong petsang itinakda.

Find this content useful? Share it with your friends!