NILINAW ni House Secretary General Reginald Velasco na hindi pa naglalabas ng anumang official plate na number ‘8’ sa mga mambabatas.
Inilabas ni Velasco ang kalatas bilang tugon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chair Romano Artes na nagsabing ilang miyembro ng House of Representatives ay kasama sa mga nahuli ng MMDA sa paglabag at paggamit ng EDSA Bus Lane.
“The House of Representatives has not released, or authorized the use of official plates for vehicles of House members,” ayon sa statement ni Velasco, Miyerkoles ng gabi.
Kasabay nito, hihilingin umano ni Velasco sa Land Transportation Office at MMDA na hulihin ang driver ng sasakyan na mayroong number 8 na plaka at kumpiskahin ang paso nang plaka.
Sinabi naman ng GMA News Online na nakakita sila ng special 8 plate sa Batasang Pambansa complex ngayong Miyerkoles.
Nakalagay umano sa plaka ang 19th Congress, 2022 to 2025. Hindi pa nagbibigay ng tugon ang secretary general tungkol dito.
