Si Vice President Sara Duterte at outgoing Education Secretary Leonor Briones matapos ang pulong.
BUMISITA si Vice President Sara Deterte sa Central Office ng Department of Education, kahapon bilang paghahanda sa kanyang pagganap bilang Kalihim ng Edukasyon, at para sa kauna-unahang pisikal na transition briefing kasama si outgoing Secretary Leonor Magtolis Briones.
Nagkaroon ng one-on-one meeting si VP Sara at Sec. Briones bago sila lumahok sa transition briefing kasama ang ibang matataas na opisyal ng Kagawaran. Inilatag ni Briones ang overview ng struktura at sistema ng kagawaran. kasama ang naging naging reposnsibilidad at ambag ng ahensya sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng basic education, reporma at ang pagtukoy sa mga isyung nangagailangan ng kagyat na solusyon. Bilang tugon, binigyang pagkilala naman ni VP Duterte ang mga kontribusyon ng DepEd sa papatapos na administrasyong Duterte.
Nagpasalamat din ito kay Briones sa agarang pagpapalabas ng statement of support hinggil sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong kalihim ng ahensya.
Napagkasuduan nina Briones at Duterte na may mga bagay na dapat pagtuunan ng kagyat na atensyon, gaya ng mga guidelines sa papasok na school year 2022-2023 at ang budget ng kagawaran para sa susunod na taon.
Ipinunto rin ni VP Duterte ang UN Transforming Education Summit na magaganap sa Setyembre, kasabay ng UN General Assembly.
Ipapasa naman ng outgoing administration ang mga pag-aaral ng National Consultations Convening Committee sa papasok na liderato ni VP Duterte.
Matatandaan na naganap ang unang bahagi ng konsultasyon noong June 14, sa NEAP Baguio City.
Inihayag ni Briones ang paniniguro kay VP Duterte ang buong suporta ng DepEd family sa kanyang liderato at ang payag umano siyang maging consultant kung mamarapatin ng bagong liderato. Nakatakda ang turnover ceremony, napagkasunduan na magsasagawa ng sabayang farewell at welcome ceremony sa ika-4 ng Hulyo.
