ANIMNAPUNG araw na suspensiyon ang muling ipinataw ng Kamara kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at hindi ang posibilidad ng pagpapatalsik dito dahil sa patuloy na pagmamatigas na bumalik sa bansa para harapin ang mga akusasyon laban sa kanya.
Ngayong Miyerkoles ay nagkasundo ang mga kinatawan sa Kamara na muling suspendihin ng 60 araw si Teves.
Nasa 285 mambabatas ang umayos sa rekomendasyon ng komite habang wala naman ang kumontra.
Tinanggalan din si Teves ng pagiging miyembro ng tatlong komite.
Vice chairperson ng games and amusement panel at bahagi rin ng komite sa legislative franchises at nuclear energy si Teves.
Ang hindi pagbalik sa bansa ni Teves at ang paghingi pa ng political asylum sa Timor-Leste ang nakapagpabigat sa kinakaharap ng mambabatas.
Si Teves ay iniuugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental governor Roel Degamo noong Marso 4.
