NEGATIBO sa paggamit ng illegal na droga si Senator Robin Padilla.
Ito ay matapos boluntaryo itong sumailalim sa drug test sa PDEA headquarters sa Quezon City.
Si Padilla, dating aktor ay nagpa-drug test bilang bahagi ng tugon kay Rep. Ace Barbers na unang nagsulong ng drug testing sa mga movie worker.
“Napakahalaga po nitong war on drugs. Ito po ay suporta ko kay dating Pangulong Duterte at ngayong Pangulo na si BBM,” sabi ni Padilla.
Hinamon din ng senador ang ordinaryong citizen, mga artista at politico na sumailalim din sa voluntary drug testing.
“Pwede din naman voluntary, pati government officials. Parang wala nang haka-haka, tanggalin na natin ang haka-haka at wag nang dagdagan ang trabaho ng pulis at PDEA para mahabol nila yung talagang mga drug pushers,” dagdag pa nito.
