NAKORNER ng media si Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos kung saan tinanong tungkol sa sinabi ng kanyang ina na si First Lady Lisa Marcos kay Vice President Sara Duterte na bad shot na ang VP sa kanya.
Ito ay bunsod ng akusasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa isang prayer rally na laging bangag si Presidente Ferdinand Marcos Jr at makikitang tumatawa ang vice president sa terminong ginamit sa Pangulo.
Sa panayam ni Ka Tunying sa Unang Ginang, sinabi nitong hindi niya nagustuhan ang reaksiyon ni Sara.
“Alam ko naman na hindi pa sanay si Mom (FL Lisa) sa mga ganyang bagay. Lagi nga naming sinasabing huwag nang magalit at pansinin,” natatawang sabi ni Sandro sa panayam.
“She’s just protecting her husband and I know where she’s coming from,” ayon pa kay Sandro.
“Kami ni Dad (Presidente) hindi na namin pinapansin ang mga ganyang isyu. Sanay na kami. Pero, hindi si mom. Lagi ko sinasabihang ‘wag na syang magalit nang todo,” ayon pa sa batang kongresista.
Nagsabi na si VP Sara na mas mabuting mag-usap na lamang sila nang masinsinan ng Pangulo hinggil sa isyu sa halip na pahabain pa ito at paglaruan lang ng media.
