Isinusulong ni Senador Dick Gordon ang saliva testing sa halip na antigen na umano'y mas epektibong paraan para malaman kung Covid-19 positive ang isang tao.
NAGHAIN ng solusyon ang isang kritiko ng administrasyon kaugnay ng pagpapalawig ng mas epektibong mass testing gamit ang saliva testing sa target population sa hangaring matukoy ang mga taong tinamaan ng nakamamatay na COVID-19.
Ayon kay Senador Richard Gordon, chair ng Philippine Red Cross (PRC), marapat nang ikunsidera ng pamahalaan ang paggamit ng saliva test sa halip na antigen na aniya’y kadalasang nagbibigay ng false positive result.
Giit ni Gordon, mas mura din aniya ang saliva test kits kumpara sa RT-PCR at antigen test kits na planong ipamahagi ng pamahalaan sa publiko.
Panawagan ng senador sa DOH, gamitin ang saliva testing sa kesa sa mabusisi – bukod pa sa hindi conclusive na self-administered antigen test.
“Ang problema sa antigen… ‘pag nag-positive ka, mayroon false positive, kung minsan nagpo-false negative. Kaya mabuti na ‘yong RT-PCR pero… mas mura ‘di hamak ang saliva test. ‘Yan ang itutulak ko sa mga probinsiya.”
Una nang pinayagan ng DOH ang PRC na magsagawa ng saliva testing, na nagkakahalaga lamang ng P2,000 kumpara sa RT-PCR tests na ang presyo ay nasa pagitan ng P3,000 hanggang P5,000.
Kumbinsido naman si Gordon na malaking bentahe ang malawakang COVID testing para mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na karamdaman.
