HINILING ni Senador Robinhood Padilla na bigyan pa ng isang pagkakataon si Pastor Apollo Quiboloy sa Senate committee bago siya i-contempt dahil sa pagbabalewala sa mga imbitasyon para dumalo at sagutin nito ang mga akusasyon laban sa kanya.
Si Quiboloy, nagpakilalang “Appointed Son of God” at founder ng sektang Kingdom of Jesus Christ, ay nahaharap sa patung-patong na akusasyon na pang-aabusong seksuwal sa mga batang bahagi ng kanilang religious cult.
Irekord ang ating kahilingan: ang mabigyan po ng konsiderasyon ang hiling ni Pastor laban sa contempt order ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, at mabigyan ng daan ang pagpapalabas po ng Show Cause Order kay Pastor sa susunod na pagdinig,” sabi ni Padilla sa kanyang privilege speech.
Patuloy ding binabalewala ni Quiboloy ang imbitasyon na dumalo sa Senate at House panel na nagsasagawa ng imbestigasyon dulot ng reklamo ng mga kaanib nito.
“Isa po ang ating kahilingan para kay Pastor Apollo Quiboloy – iyon ay ang mabigyan lamang naman natin, hindi po ng kapalit, kundi ng karampatang pagtrato ang naging serbisyo naman po ni Pastor sa ating bayan,” ayon kay Padilla.
