Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Rep. Teves lumutang via FB page: Hindi ako nagtatago!

admin March 21, 2023

NAGSALITA na si 3rd District of Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves bago maghatinggabi ngayong Martes at pinabulaanang nagtatago siya matapos isangkot sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa video, binigyang-diin ni Teves na gusto na niyang umuwi ng bansa ngunit dahil sa seryosong banta sa kanyang buhay ay hindi umano niya ito itataya. Inamin din nitong hindi pinayagan ang hiningi niyang dalawang buwan na leave of absence sa Kongreso.

Binigyan ng 24-oras ng Kongreso para humarap sa Ethics Committee at napaso na Martes (Marso 21) ng hapon. Hanggang alas-4:00 ng hapon ay walang Teves na lumutang. Hindi rin umano pinayagang dumalo ang kongresista via zoom sa gagawin sanang pagdinig.

Humingi rin ng dispensa si Teves kay House Speaker Martin Romualdez dahil sa hindi niya pagsulpot sa Kongreso. Inamin niyang nag-usap sila sa telepono ni Romualdez at tiniyak na poproteksiyunan siya sa kanyang pagbabalik. Inalok din umano siya ng Speaker na maaaring tumira pansamantala sa kanilang tirahan.

Humingi rin ng dispensa ang kongresista kay Pangulong Ferdinand Marcos at sinabing wala siyang kinalaman sa krimen.

Hiniling ni Teves sa awtoridad na busisiin ang lahat ng anggulo para lutasin ang pagkamatay ni Degamo at hindi lamang sa iilang tao.

“Wag naman sana na sa iisang tao lamang. Masyado na akong nadidiin dito at masyado na itong unfair sa akin,” sabi pa ni Teves. “Oo mag-imbestiga kayo. Kahit ako imbestigahan pero sana naman hindi yung ako lang ang madidiin. Busisiin sana lahat ng angulo para malutas ang pagkamatay ni Degamo,” ayon pa sa kongresista na ngayon ay nasa ibang bansa matapos ang medical procedure sa kanyang sakit.

Kinondena rin nito ang pagkuha ng kanyang mga armas gayundin ang mga ginawang raid sa kanyang bahay at pagdakip at pagsampa ng kaso sa kanyang mga tauhan.

Sinabi ni Teves na nagmimistula na umanong scripted o palabas ang nangyayari sa Degamo killing dahil sa paunti-unting paglabas ng mga naarestong suspect na sangkot sa pagpatay.

“Matatalino na ang mga netizen ngayon. Malalaman din nila na scripted lamang ang lahat at sa iisang tao lang itutuon ang pagpatay sa gobernador,” sabi ni Teves.

“Sa krimen na ito ay halatang-halata na nagkaroon muna ng suspect o mastermind sa pagpaslang sa gobernador nang wala pang imbestigasyon na nagaganap. Hindi ba dapat imbestigasyon muna bago malaman kung sino ang mastermind,” tanong pa ni Teves.

Tags: degamo fb page teves

Post navigation

Previous Bill allowing married women to retain maiden name gets House nod 
Next House approves 23 of 31 LEDAC bills on third and final reading

Related Stories

Rice prices may hit ₱62/kg by September amid Middle East crisis — DA
  • Nation

Rice prices may hit ₱62/kg by September amid Middle East crisis — DA

Marcos announces higher, broader PhilHealth maternity benefits starting April 30
  • Nation

Marcos announces higher, broader PhilHealth maternity benefits starting April 30

ASEAN youth lawmakers urged, “Turn solidarity into legislative action”
  • Nation

ASEAN youth lawmakers urged, “Turn solidarity into legislative action”

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.