TABLADO sa mga kapwa kongresista si dating pangulo at Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa umano’y paggapang nito para sipain sa posisyon si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Nabatid na apat na kongresista ang nilapitan ni Arroyo ngunit harap-harapan itong tinabla ng mga mambabatas.
Nabatid pa na nangangalap ng suporta ang kampo ni Arroyo sa Kamara, kasama na ang mangilan-ngilan nitong loyalista.
Mahihirapan umano si Arroyo na makakuha ng simpatiya sa mga mambabatas na suportado si Romualdez. Hindi pa rin umano nakalilimutan ng nasa 100 kongresista ang sama ng loob sa dating pangulo lalo na nang maupo itong speaker sa 17th Congress sa suporta noong Hulyo 2018 ni Vice President Sara Duterte
Sinasabi na binuweltahan ni Arroyo ang mga supporters ni dating speaker Bebot Alvarez at binigyan ang mga ito ng zero budget.
Tinanggal na si Arroyo bilang Senior Deputy Speaker amid the rumored plot to oust Romualdez at ngayon ay Deputy Speaker na lamang sa Kamara.
Itinanggi ni Arroyo ang lahat ng paratang laban sa kanya.
