SA pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, nakipagpulong po tayo bilang Chairman ng House Committee on Appropriations kasama ang iba pang mga opisyal ng House Committee on Appropriations at House Committee on Food and Agriculture, sa mga opisyal ng Department of Agriculture upang talakayin ang mga isyu na kinasasangkutan ng ahensya.
Sa abot ng makakaya ng Kongreso, nangako si Co na gagawan at hahanapan ng solusyon ang mga isyu tulad ng cartel sa sibuyas at ng rice sufficiency na target ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Naniniwala po ako na sa pagtutulungan at sa nagkakaisang aksyon, kaya nating mapalago ang sektor ng agrikultura ng bansa,” ayon kay Co.
