SA hangaring maibalik sa ere ng radyo at telebisyon ang ABS-CBN, binuhay ng tatlong militanteng kongresista ang panukalang batas na nagsusulong na bigyan ng prangkisa ang higanteng media network na pag-aari ng mga Lopez.
Para kina Rep. France Castro (ACT-Teacher) Arlene Brosas (Gabriela) at Rep. France Castro (Gabriela) at Rep Raoul Manuel (Kabataan), angkop lang na bigyang ng 25-taong prangkisa ang kontrobersyal na media giant, tatlong taon matapos tablahin ng kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN sa botong 70-11 – na siyang hudyat ng pagtigil sa pag-eere ng programa ng nasabing broadcast network sa radyo at telebisyon.
Giit ng 70 kongresista, labag sa Saligang Batas na magmay-ari ng TV at television networks ang may-ari nitong si Gabby Lopez na anila’y isang American citizen.
Giit pa ng mga kongresistang kaalyado ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte, labag rin umano sa Labor Code of the Philippines ang mga umiiral na polisya ng nasabing media giant sa hanay ng kanilang mga empleyado.
Hindi rin pinalusot ang di umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis ng ABS-CBN. Gayunpaman, kumbinsido sina Castro, Brosas at Manuel na binengga lamang ng noo’y pangulong Duterte ang higanteng media network. “President Rodrigo Duterte repeatedly expressed his personal ire against the network and vowed to vigorously block the renewal of its franchise. He even openly advised the owners of the network to just sell it, raising legitimate concerns over the possible takeover of the network by administration allies,” anila.
