KINONTRA ng Philippine National Police and umano’y ibinunyag ng Philippine Drug Enforcdement Agency (PDEA) na 30 porsiyentong premyo na droga sa bawat tipster na magbibigay ng impormasyon.
Sa panayam, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan na walang puwang sa kanilang organisasyon ang mga katulad na palakad tapos bawal ito sa batas.
Sa pagdinig sa House Committee on Dangerous Drugs, ibinunyag ni
PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na may informant sila na nanghihingi ng 30 porsyento ng nakumpiskang ilegal na droga.
Sinabi ni Maranan na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagbigay ng porsyento sa nakumpiskang iligal na droga at may katapat ito na kaparusahan.
Paliwanag ni Maranan, walang record ang PNP sa sinumang informant na binigyan ng porsyento ng nakumpiskang droga.
Wala rin umano syang impormasyon na may informant ang PNP na kailanman ay humingi ng porsyento.
Tiniyak naman ni Col. Maranan na kung may mga tauhan silang nasasangkot parin sa pagre-recyle ng iligal na droga ay hindi nila ito kukunsintihin. |
