Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Pinoy naonse: Oil Deregulation Law pinababasura ni Rep. Erwin Tulfo

admin August 14, 2023

HINILING ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo na ibasura ang Oil Deregulation Law na umano’y labis na nagpapahirap sa publiko.

Sa kanyang talumpati, naniniwala si Tulfo na nalinlang ng mga may-ari ng higanteng oil company sa bansa ang publiko dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Nalinlang po ang taumbayan o naonse sa pagpasa ng batas na ito dahil pinaniwala tayo noon na magpapababaan ng presyo ang mga kumpanya ng langis sakaling makontrol nila ang pagpepresyo ng produktong petrolyo,” sabi ni Tulfo.

Isa umanong kahibangan ang nangyari dahil sa halip umanong magpababaan ng presyo ay nag-uusap-usap umano ang mga kumpanyang ito kung gaano kalaki at magkano ang itataas nila sa presyo linggo-linggo.

Ayon pa sa mambabatas, halata rin umano ang sabwatan ng mga dambuhalang kumpanya.

“Pag nagtaas na sila ng presyo ay pare-pareho ang halaga?,” tanong pa ni Tulfo.

Kapansin-pansin din umano ang pagsirit ng presyo ng diesel na kadalasang gamit ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Wala na rin umanong magawa ang gobyerno dahil wala na sa kamay nito ang pamamalakad higit sa kung magkano ang dapat itaas ng presyo.

“Bukas ay tataas na naman ng higit piso ang gasoline at diesel bagama’t katataas pa lamang nito noong nakaraang linggo,” saad pa ni Tulfo.

Naghain na rin ang mambabatas ng panukalang batas na nagbabasura nang tuluyan sa Oil Deregulation Law sa muling maibalik sa pamahalaan ang pagkontrol sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

“Sa akin namang mga kasamahan dito sa Kongreso, ang akin pong hiling na suportahan po ninyo ang agarang pagpasa ng panukalang batas na ito dahil para namanpo ito sa ating lahat- mayaman ka man o mahirap,” pagtatapos ni Tulfo.

Tags: erwin tulfo oil deregulation law

Post navigation

Previous Panel approves bills providing skills training, job opportunities to inmates
Next Cavitex to implement new toll rates effective August 21

Related Stories

Palace orders probe vs Baste Duterte over garbage dumping at DENR office
  • Nation

Palace orders probe vs Baste Duterte over garbage dumping at DENR office

Gatchalian bloc nears 13 members, key to full Senate presidency — Aquino
  • Nation

Gatchalian bloc nears 13 members, key to full Senate presidency — Aquino

Senate tightens security over threat reports, coordinates with NBI
  • Nation

Senate tightens security over threat reports, coordinates with NBI

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 10 Jun.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. castor Valdez on Gatchalian to preside over VP Sara impeachment trial; Senate resumes work
  2. experienced on Two PL solons resign from House; names removed from official roster

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.