SINABI kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na mananatili sila at hindi patitinag matapos pailawan ng Chinese coast guard ng “military-grade” laser ang isa sa kanilang barko kung saan nalagay sa panganib ang crew na lulan nito.
“Anuman ang problemang kakaharapin pa, mananatili kaming nakatayo at poprotektahan ang kalayaan at karapatan ng mamamayang Pilipino sa West Philippine Sea,” ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu.
“The PCG will continue to exercise due diligence in protecting the country’s territorial integrity against foreign aggression. The AFP can always rely on the PCG to support their resupply mission in Ayungin Shoal. Despite the dangerous maneuver of the much larger CCG ships and their aggressive actions at sea, the PCG ships will always be in the West Philippine Sea to sustain our presence and assert our sovereign rights,” dagdag pa ni Abu.
Sinusuportahan ng PCG vessel ang rotation at resupply mission ng Philippine Navy sa Ayungin (Second Thomas) shoal sa West Philippine Sea noong Pebrero 6 nang dalawang beses silang pailawan ng green na laser ng
China Coast Guard (CCG) ship No. 5205 sa BRP Malapascua.
Idinaing din ng mga tauhan ng PCG na pansamantala silang nawalan ng paningin.
“Mahigpit naming kinokondena ang ginawa ng CCG dahil delikado ang ginawa kahit pa sa alinmang nasyonalidad ito nangyari,” sabi ni Abu.
