[Photos: PCG FB page]
MATAGUMPAY na nailatag ng Philippine Coast Guard ang limang piraso ng tatlumpung talampakang boya o navigational buoy na nagtataglay ng image ng bandila ng Pilipinas, sa apat na kritikal na isla sa West Philippine Sea.
Ang mga islang ito ay ang mga sumusunod: Lawak Island, Likas Island, Parola Island at Pag-asa Island. Pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu ang pagsalubong sa limang vessel na nagsagawa ng paglalagay ng boya sa mga nabanggit na area mula noong mayo 12 hanggang mayo 14 ang mga ito ay ang BRP Corregidor (AE-891), BRP Bojeador (AE-56), BRP Suluan (MRRV-4406), BRP Capones (MRRV-4407), and Tug Boat Habagat (TB-271).
Ayon kay Abu, ang mga nasabing sea markers ay pahiwatig na ang mga lugar ay bahagi ng special protected area, samakatuwid ay ipinagbabawal ang mining and oil exploration upang pangalagaan ang mayamang natural resources.
Dagdag pa ni Abu, ang nga boya ay magsisilbing dangal ng ating bansa. At dahil sinuong ng mga magigiting na coast guardian ang mga panganib para sa misyong ito ay naiangat nila sa next level of success ang pcg.
Ang limang nasabing boya ay pauna pa lamang sa sampung sea marker na binilinng pcg mula pa sa españa at ang mga paparating pang mga boya nakatakdang ilagay sa benham rise at iba pang krotikal na area. Ang mga ito ay may modernong teknolohiyang makatutulong sa marine navigation and mooring system. May kakayahan din silang magtransmit ng mga data papunta sa national hq ng pcg gamit ang sattelite.
