ITINANGGI ng Department of Health (DOH) na galing sa kanilang mga opisyal na social media accounts ang isang mensahe na kumakalat tungkol sa upper respiratory disease sa China.
Pinayuhan din ng DOH ang ating mga kababayan na ang respiratory disease ay maaring maiwasan sa pagsasagawa ng mga gawaing makakapagpalakas ng katawan, sanitasyon, pagsusuot ng face mask, social distancing, magandand bentilasyon ng hangin, at pagkakaroon ng bakuna.
