Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Sports
  • Business
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Front Page
  • Nation

Medical exam sa pagkuha ng lisensiya ibinaba sa P300

Metrosundaily May 22, 2023

ITINAKDA ng Land Transportation Office (LTO) sa ₱300 ang maximum na halaga ng medical examination na sisingilin ng mga accredited na medical clinic o health facility para sa aplikasyon ng student permit at driver’s license.

Alinsunod ito sa nilagdaang Memorandum Circular ni LTO Chief Jayart Tugade bilang tugon sa mga hinaing kaugnay ng mataas na halaga ng medical examination na isa sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng lisensya ng pagmamaneho.

“Hindi po natin maisasantabi ang maraming reklamo kaugnay ng sobrang mahal ng pagkuha ng medical certificate na ang iba ay nagbabayad ng ₱500 hanggang ₱700. Mabigat na ang halaga na ito para sa ating mga ordinaryong mamamayan,” punto ni LTO Chief Tugade.

Ayon kay LTO Chief Tugade, ang magiging maximum prescribed rate ng medical examination fee na sisingilin sa mga driver-applicant ay ₱300 kada transaksyon. Maaari rin aniya na maningil nang mas mababa sa ₱300.

Sakop ng bagong polisiya ang lahat ng LTO accredited medical clinics at health facilities kung saan ay accredited din na doktor ang nagsasagawa ng medical, physical, optical at iba pang pagsusulit para sa aplikasyon ng student driver’s permit, bagong non-professional driver’s license at bagong conductor’s license, gayundin sa renewal at upgrading ng lisensya mula sa non-professional tungo sa professional.

Para sa unang paglabag, maaaring maharap sa parusang suspensyon ng akreditasyon sa loob ng 90 araw at multang ₱10,000 ang medical clinics at health facilities na hindi susunod sa bagong polisiya.

Tatagal naman ng 180-araw na suspensyon at multang ₱15,000 ang parusa sa lalabag sa ikalawang pagkakataon at pagbawi na ng akreditasyon bukod pa sa perpetual o habambuhay na diskuwalipikasyon bilang accredited medical clinic o health facility para sa ikatlong beses na lalabag.

Ang direktiba ay batay sa rekomendasyon ng binuong komite na nagsagawa ng mga pag-aaral at serye ng konsultasyon upang makabuo ng makatwirang halaga ng medical examination.

Alinsunod sa Memorandum Circular 2018-2157 na nilagdaan nuong Nobyembre 27, 2018, maaaring mai-regulate at regular na ma-monitor kung makatwiran o lumalabis na ang medical examinations fees ngunit hindi nakasaad ang partikular na maximum na halaga na dapat sundin ng medical clinics at health facilities.

“Accredited medical clinics have several variances of fees and charges causing discrepancy of rates. For standardization, the LTO deemed it proper and necessary to set the specific maximum medical examination fees to be charged from driver-applicant by accredited medical clinics,” saad ng bagong Memorandum Circular.

Mula sa pagbibigay ng libreng Theoretical Driving Course, pagtatakda ng maximum prescribed rates para sa pagkuha ng TDC at Practical Driving Course sa mga driving school, pinalawig na rin sa tatlong taon na validity o bisa ng rehistro ng lahat na ng uri ng mga bagong motorsiklo na 200cc pababa ang makina upang makatipid ang publiko.

“Hindi po tumitigil ang inyong LTO sa mga pag-aaral upang maihatid sa publiko ang pinabilis, pinaginhawa, at abot-kayang mga serbisyo,” pahayag ni LTO Chief Tugade.

Iiral ang bisa ng Memorandum Circular, labing-limang araw matapos na mailathala sa pahayagang nasyunal ang bagong polisiya o makapaghain ng sertipikadong kopya sa Office of the National Registry sa UP Law Center sa Diliman, Quezon City.

metrosundaily

Post navigation

Previous PBBM: DSWD’s ‘food stamp’ program now in the pipeline
Next 2 more LEDAC priority bills, other vital measures passed on final reading

Related Stories

VP Sara fails to appear before QC court after warrant issuance
  • Nation

VP Sara fails to appear before QC court after warrant issuance

Court denies VP Sara’s motion to recall arrest warrant –DOJ
  • Nation

Court denies VP Sara’s motion to recall arrest warrant –DOJ

NBI to file human trafficking complaint vs Leviste, Paras over alleged plot against Recto
  • Nation

NBI to file human trafficking complaint vs Leviste, Paras over alleged plot against Recto

ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sat, 5 Sep.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. OMA55 on Search for 4 missing as vehicle plunges into river after Agana Bridge collapse
  2. Obet on House prosec Ridon brings maleta with mangoes, wigs: Not all luggage contains cash

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Facebook
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.