Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Mediaman nataniman ng granada, inaresto

admin March 16, 2022

Si Jaime Aquino, dating reporter ng Manila Times, (nakaposas) matapos arestuhin at umano'y 'taniman' ng granada sa bahay ng tiyahin.

TAHASANG sinabi ng misis ni Jaime Aquino, dating Manila Times reporter at National Press Club (NPC) member na ‘planted’ ang nakitang granada ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa ng tanghali sa bahay ng kanilang tiyahin.

Ayon sa misis ni Aquino na si Manilyn Mendoza, nagpapagasolina ito sa Pangasinan nang biglang lapitan ng mga tauhan ng NBI sa bisa ng isang bench warrant. Sa halip na idiretso si Aquino sa presinto, dinala ito ng mga ahente ng NBI sa kanyang tahanan upang magsagawa naman ng search sa bisa ng hawak nilang search warrant na ipinalabas ni Pangasinan Tayug Regional Trial Court Branch 51 Judge Rusty M. Nay na may petsang Marso 14, 2022.

Batay sa nilalaman ng search warrant, ipinag-uutos ng hukuman ang paghalughog sa tahanan ni Jaime, sa kanyang water refiling station at sa isang Pavillon.

Ngunit naging taliwas ang hakbangin ng mga ahente ng NBI dahil pati ang kanilang puwesto ng mga spare parts ng sasakyan, ang kanyang tindahan at ang isang bahay na hindi naman nila pag-aari ay hinalughog din ng NBI.

Sa mga nilalaman ng warrant, gumawa ng inventory report ang mga tauhan ng NBI at dito nakasaad na wala silang nakita na kanilang hinahanap batay sa nilalaman ng search warrant. Nagtataka sina Mendoza at Aquino na makalipas ang ilang minuto ay nakakuha na ang NBI ng dalawang granada sa mismong lagayan ng mga pinggan sa isang bahay na pag-aari ng kanilang tiyahin.

Ayon sa mag-asawa imposibleng maglagay sila o sinuman ng granada sa mismong sisidlan ng pinggan dahil doon naglalaro ang kanilang mga anak kasama ang ibang bata.

Sa kuwento pa ni Mendoza , napansin na niyang nagbubulungan ang dalawang ahente ng NBI kung kaya’t hindi niya ito hinihiwalayan ngunit naalis ang kanyang paningin dito at atensyon noong siya ay tinawag ni Jaime sa ikalawang palapag ng isang tahanan.

At matapos nga siyang umakyat o tumungo sa kinaroroonan ng kanyang kinakasama ay ilang minuto ay sumigaw na ang ahente ng NBI na “positive, positive sir” na lubhang ikinagulat ng lahat.

Sinabi pa ni Mendoza na noong iprisinta sa kanya ng NBI ang search warrant ay mariin niyang ipinakiusap sa mga ito na maaari silang maghalughog sa kanilang tahanan basta sa presensya ng mga opisyal ng barangay at kasama sila.

At naganap na noong sila ay kasama at ang mga opisyal ng barangay sa kanilang tahanan, tindahan, refilling station at spare parts store ay walang anumang nakuha.

Ngunit nang hindi na kasama ang mga opisyal o tauhan ng barangay ay bigla-biglang mayroong dalawang granada. Tinukoy ni Atty. Fernandez na sa kanilang pagharap sa korte ay patutunayan nilang planted ang ebidensya dahil sa mga ilang pagkakataon at testigo at ebidensyang hawak nila matapos ang insidente.

Kuwento pa ni Mendoza, ang bench warrant ni Jaime na iprinisinta at dahilan ng pagdakip nito ay may kaugnayan sa kanyang kasong libel noong 2007 kung kaya’t ipinagtataka nila ang motibo ng search warrant gayong ito ay wala namang kaugnayan sa kasong una na niyang kinasasangkutan.

Naniniwala ang kampo ni Aquino na may kinalaman ito sa pulitika matapos niyang pabulaanan na personal at matagal na niyang kaibigan ang mag-asawang sina Quezon 4th District Congresswoman Helen Tan at Department of Public Works (DPWH) Regional Director Rommel Tan.

Itinanggi rin ng kampo ni Aquino na tumanggap siya ng P30 milyon mula sa mag-asawang Tan.

Sa isang press conference ilang linggo na ang nakararaan, ibinunyag niyang kinasuhan niya sina Quezon Governor Danny Suarez , Councilor Arkie Yulde, Atty. Villamor at anak na si Justine Aquino.

Bukod sa mga ito ay nakatakda ring maghain ng kaso si Jaime laban kina NPC President Paul Gutierrez at Undersecretary Joel Ecgo dahil sa maling akusasyon laban sa kanya.

Si Tan ang isa sa mga mahigpit na makakatunggali ng mga Suarez sa probinsya ng Quezon.

Post navigation

Previous Valenzuela and Rizal warehouses raids yield P55M worth of onions, frozen goods
Next Personal remittances from Pinoys abroad rise to US$3B in January 2022

Related Stories

Pumaren flags nat’l ID delays as key barrier to transport aid amid fuel crisis
  • Nation

Pumaren flags nat’l ID delays as key barrier to transport aid amid fuel crisis

‘Intervene Now’: Lawmaker, fisherfolk urge President to stop fuel hikes
  • Nation

‘Intervene Now’: Lawmaker, fisherfolk urge President to stop fuel hikes

Speaker Dy salutes Pinoy workers as nation’s ‘true lifeblood,’ vows stronger protections
  • Nation

Speaker Dy salutes Pinoy workers as nation’s ‘true lifeblood,’ vows stronger protections

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Sat, 2 May.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.