KINASUHAN ng kasong syndicated estafa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mag-ari ng M/B Aya Express at asosasyon sa lumubog na bangka noong Hulyo 27 kung saan 27 katao ang nasawi.
Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo said a syndicated estafa complaint was filed against the owner, boat captain, and members of the Talim Island Motorboat and Patrons Association (TIPMOPA).
Sinabi ni Balilo na ang reklamo ay sa posibleng “fraud” at “misrepresentation.”
Isinampa sa Office of the Provincial Prosecutor in Taytay, Rizal ang kaso, ayon pa kay Balilo.
Hindi naman nagbigay pa ng komento ang may-ari ng Bangka na si Rufino Antonil at TIPMOPA president Jerome Mendoza.
Lumubog noong Hulyo 27 ang M/B Aya Express sa Laguna Lake malapit sa Binangonan, Rizal habang patungong Talim Island.
Sinabi ng isang nakaligtas na si John Christian Dorada na hinampas ng malalakas na hangin ang bangka na ikinataranta ng mga pasahero. Naputol din umano ang katig kaya’t nagtungo lahat ang mga pasahero sa kabilang bahagi dahilan para tumagilid ang Bangka at lumubog.
“Doon po banda, ano pa, parang talagang hangin lang. Tapos noong bandang ano rito, biglang ano talaga, biglang ulan. Tapos hangin… Tapos po, biglang may narinig ako, biglang nagsisigaw, sigawan na. Tapos po, iyon, nagulat ako, biglang tumaob kami,”sabi ni Dorado.
Umabot sa 27 ang nasawi habang 40 ang nakaligtas.
Una nang sinabi ng kapitan ng bangka na hindi niya alam na overloaded ang bangka.
“Iyong captain naman kasi obviously in-admit niya naman iyong mga pagkakamali; nag-submit ng manifest pero pagkatapos noon nagpasakay pa, tapos in-admit din na hindi sila nagpapa-life vest. So, titingnan natin,” sabi ni Balilo.
