Rep. Arnolfo Teves
NAGKAKAISANG inirekomenda ng House ethics panel ang mas matinding parusa laban kay Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. dahil sa patuloy nitong pagliban sa kabila ng paso nang travel authority.
Ito umano sa isang paglabas sa House rules.
“Nagdesisyon nang irekomenda sa plenaryo ang pagpataw sa mas mabigat na parusa kay Rep. Arnolfo Teves, Jr., sa paglabag sa batas ng Kamara, partikular ang Rule 20, Section 142 Substitute A and B of the Code of Conduct and for disorderly behavior,” ayon kay House ethics panel chairperson Felimon Espares.
“Matinding diskusyon ang ginawa naming dahil hindi magaan ang magbigay ng desisyon ang komite at kailangang matiyak ang proteksiyon ng miyembro ng Kamara,” ayon pa rito.
Nauna nang pinatawan ng 60-araw na suspensiyon si Teves dahil sa paglabag sa House rules at disorderly conduct matapos magmatigas na bumalik ng bansa at magtrabaho sa Kamara si Teves. Iniuugnay si Teves sa pagpaslang noong Marso 4 kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Nagsampa na rin ang Justice department ng kasong murder at iba pang kaso laban kay Teves dahil sa Degamo killing.
