HINAMON ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumailalim sa drug test sa harap ng publiko.
Sa television program, sinabi ni Duterte na hinahamon niyang magpakuha sila ng drug test sa Luneta Park.
“Set it in Luneta Park, magpakuha siya ng dugo doon [from] independent entity or doctor. Magpakuha rin ako, sige pati ako. Pakuha siya ng blood test,” sabi ni Duterte sa press briefing sa Davao City nitong Martes.
Idinawit din ni Duterte na isang opisyal ng Gabinete ang kasama ni Marcos na gumagamit ng cocaine.
Iginiit ni Duterte na nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ni Marcos.
Itinanggi na ng PDEA ang akusasyon ni Duterte.
Nagbanta rin si Duterte na ilalabas niya ang listahan sakaling nasa kamay na niya ito.
