WALANG kahirap-hirap na nasungkit ng Kamara ang asam-asam na pakikiisa ng mga mambabatas na magiging bahagi ng 19th Congress pagsapit ng Hunyo.
Ayon kay Leyte Rep. Martin Romualdez, naging mabilis ang tugon ng mga kapwa kongresistang inanyayahan tungo sa isang mas epektibong Kongreso, batay sa panawagang pagkakaisa ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Maging ang mga Liberal Party na mayroon lamang siyam na miyembro sa Mababang Kapulungan, suportado rin aniya ang kanyang napipintong pag-upo bilang bagong House Speaker.
Nagpahayag rin ng sumuporta sa House Speakership bid ni Romualdez ang dominanteng [partio ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) na mayroong 39 na miyembro sa Kamara.
“The latest declaration of support from the 39-man contingent of the NPC highlights the desire of our newly-elected and re-elected congressmen to heed the call for unity of our incoming President Bongbong Marcos,” ani Romualdez.
Bago pa man ang pagsanib ng NPC sa mayorya, una nang inanunsyo ng Partylist Coalition Foundation, Inc. (PCFI), independents, PDP-Laban, Nacionalista Party (NP), Hugpong ng Pagbabago (HNP), Lakas-CMD ang kanilang suporta kay Romualdez.
Unang sumuporta kay Romualdez ang mga neophyte congressmen sa pangunguna ng anak ni presumptive President Bongbong Marcos na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. “With NPC’s declaration of support, the new administration has now a clear supermajority in the House of Representatives, which is crucial in pushing for legislative measures needed to move our country forward,” ani Romualdez.
