Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Kongreso magpapatuloy sa pagkilos sa pag-unlad ng ekonomiya ng PH

admin July 24, 2023

House Speaker Martin Romualdez

INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez na hindi matitinag ang Kongreso sa pagkilos upang makamit ang pag-unlad ng ekonomiya katulong ang gobyerno matapos ang pinakahihintay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong Lunes.

“Malinaw ang mga sinabi ng ating Pangulo sa kanyang SONA. Sa kabila ng kaguluhan sa ibang parte ng mundo, maganda ang lagay ng ating ekonomiya at nakikinabang dito ang nakakaraming bilang ng mga Pilipino,” ayon kay Romuladez.

Maging ang ibang bansa umano ay kumikilala sa kakayahan ng Pilipinas na maging best performing economy sa ating rehiyon. Umaasa tayo magiging mahalaga ang papel ng Kongreso para maipagpapatuloy ang pag-unlad ng ating ekonomiya sa mga darating na taon.

“Dumarami ang bilang ng mga Pilipino na may trabaho dahil sa malusog na kalagayan ng ating ekonomiya at dahil na rin sa patuloy na pagdagsa ng mga domestic at foreign investments. Magpapapasa kami sa House of Representatives ng mga kakailanganing batas para lalo pang maparami ang job at livelihood opportunities sa bansa. Tatanggalin natin ang lahat ng sagabal na pumipigil sa pagpasok ng dayuhang puhunan sa bansa,” dagdag pa ng House speaker.

Sa sektor ng agrikultura, sinabi ni Romualdez na masigla at patuloy na umuunlad ang sektor at naipababa rin ang ang presyo ng mga pagkain at napapataas naman ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

“Tutulong kami sa Kongreso para mapigilan ng ating Pangulo ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat ng kaya naming gawin ay ibubuhos namin sa misyong ito. Dahil napapalaki natin ang kaban ng bayan, mas maraming kababayan natin ang nakikinabang ngayon sa social services. Magandang balita na malaking porsyento natin ng planong budget ng Pangulo sa 2024- halos 70 porsyento— ay patuloy sa ilalalan sa economic at social services.  Susuportahan namin sa House of Representatives ang planong ito,” saad ni Romualdez.

Sa larangan ng kalusugan, sinabi nito na malaking bahagi ng tulong na ito ay ilalaan sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat Pilipino.

“Kasama kami ng Pangulo sa layunin na mabigyan ng de-kalidad na health services ang ating mga kababayan. Hindi dapat problemahin ng pamilyang Pilipino kung saan nila kukunin ang panggastos kung may magkakasakit silang miyembro,” ayon pa kay Romualdez.

Tags: ekonomiya romualdez

Post navigation

Previous Rep. Frasco thanks PBBM for mentioning pier 88 as contribution to infra development
Next ‘Egay’ maintains strength; Signal No 4 up in Cagayan

Related Stories

ASEAN youth lawmakers urged, “Turn solidarity into legislative action”
  • Nation

ASEAN youth lawmakers urged, “Turn solidarity into legislative action”

Zaldy Co seeking asylum in France, now under its jurisdiction — Palace
  • Nation

Zaldy Co seeking asylum in France, now under its jurisdiction — Palace

Speaker Dy rallies young ASEAN legislators to ensure regional progress is shared by all
  • Nation

Speaker Dy rallies young ASEAN legislators to ensure regional progress is shared by all

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet
  • Sole survivor of Air India crash recounts escape

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.