NAIS ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang kawalan ng police security detail na nakaassign sa pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Nagtaka si Remulla kung bakit isa lang sa anim na pulis na naka-assign kay Degamo ang pumasok noong araw na nilusob at pinaslang ang gobernador.
Sa panayam, sinabi ni Remulla na may pagkakamali ang police intelligenc ng Philippine National Police– Region 7 regional command sa sistema nang isagawa ang pag-atake noong Marso 4. Sinabi ni Remulla na kailangang imbestigahan kung bakit hindi pumasok ang limang nakaassign kay Degamo. Dapat din umanong mayroong nakabantay na pulis sa perimeter security.
“It’s their job to watch his house. But on that day, they were absent,” sabi pa ni Remulla.
Sinabi ng mga saksi na lumusob ang armadong kalalakihang nakasuot ng camouflage uniform. May dala ring mahahabang armas ang mga ito nang pagbabarilin ang gobernador maging ang mga taong binibigyan ng tulong sa compound ng mga Degamo sa Barangay Pamplona, Negros Oriental. Walo pa ang nasawing sibilyan.
Walang cover up sa imbestigasyon bakit walang police security — Azurin
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na walang cover up na mangyayari sa isinasagawang imbestigasyon kung bakit walang nakabantay na pulis kay Degamo gayung nasa panganib ang buhay nito.
“Definitely, cover up is not part of the ongoing investigation. We lost Governor Degamo. Hindi po tayo magko-cover up dito. Kung sino ang tatamaan, tamaan (We will not cover up. Those involved will be held liable),” ayon kay Azurin sa press conference.
Ipinaalam na rin ni Azurin sa limang miyembro ng police security ni Degamo na magpaliwanag kung bakit wala sila nang mangyari ang insidente. Nakikipag-koordinasyon na rin ang PNP sa pamunuan ng Police Regional 7 upang magpaliwanag.
Natunton na rin umano ang security detail ni Degamo at makikiisa rin sa hearing na isasagawa sa House of Representatives.
Ayon pa kay Azurin, hindi lahat ng miyembro ng police security ay sabay-sabay na pumapasok kundi rotatation umano ang sistema sa pagpasok. Nasa dalawa hanggang tatlong personnel umano ang naka-schedule na pumasok nang araw na lusubin at patayin si Degamo.
Samantala, dalawa sa mga suspect ang nagsabing isang Cong. Teves ang nag-utos sa kanilang para itumba si Degamo.
Agad namang itinanggi ni Rep Teves na sangkot siya sa pamamaslang.
Tiniyak na Degamo na bibigyan nila ng seguridad ang kongresistea sa kanyang pagbabalik mula sa Amerika.
