NASA 97,206 na pamilya ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na apektado ng Bagyong Paeng sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) Report no. 7 na inilabas nitong 6:00AM ngayong araw.
Sa kasalukuyan, Php 4,137,026.95 na halaga ng ayuda na ang naipamahagi sa mga residente ng 733 na barangay sa mga rehiyon ng CALABARZON, V, VI, VII, VIII, IX, XII, Caraga, at BARMM.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto habang patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
