MALIIT na bahagi na lang ng populasyon ang duda sa bisa ng bakuna kung pagbabatayan ang resulta ng pinakabagong survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS).
Lahat ng tatlong kategorya – duda, takot at ayaw magpabakuna, bumagsak sa pinakamababang antas mula ng manalasa ang nakamamatay ng karamdaman.
Sa survey na isinagawa noong Disyembre ng nakaraang taon, 8% na lang ng adult respondents ang “ayaw magpabakuna.”
Isang porsiyento naman ang nagsabing “malamang hindi na sila magpabukuna.” Sa datos ng SWS, higit na mababa ang antas ng vaccine hesitancy sa pinakahuling survey ng grupo, kumpara sa kanilang pinasiwaang pangangalap ng pulso ng masa noong mga buwan ng Setyembre kung saan nakapagtala ng 18% vaccine hesitancy, 21% noong buwan ng Hunyo at 33% naman noong buwan ng Mayo ng nakaraang taon.
Sa pagbabang bilang ng mga Pinoy na ayaw magpabukuna sa lahat ng rehiyon, 6% naman ang nagsabing “hindi pa sigurado.”
Akma naman sa datos ng gobyerno ang tugon ng mga kalahati ng 1,440 respondents na nagsabing bakunado na sila, habang nasa 13% naman ang isang dose pa lang ang naituturok na bakuna. Nasa 35% porsyento rin ang nais makatanggap ng bakuna, kung saan 33% ang nagbigay katiyakang sila’y mag[papaturok para sa angkop na proteksyon kontra COVID-19.
Paniwala ng mga eksperto, ang resulta ng mga pag-aaral kaugnay ng Omicron variant ang nagmulat sa maraming Pilipino lalo pa’y 10 ulit na mas nakakahawa ang naturang variant – ayon mismo sa mga dalubhasa.
“While skepticism is less among the better educated, the percentage of those unwilling to get vaccinated fell from September 2021 to December 2021 in all educational groups.”
