DINUMOG ng mga tao ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa pag-asam na makakuha ng ayuda para sa mahihirap na mamamayang estudyante sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Kasabay nito, humingi naman ng paumanhin si Secretary Erwin Tulfo sa pagkakaroon ng mahabang pila kung saan ang iba ay kagabi pa pumila sa pag-asang mauna silang makatanggap ng ayuda.
Ayon sa ilang estudyante, kahapon pa sila ng alas-5 ng hapon nakapila sa DSWD Central Office in Batasan Complex, Quezon City.
Ilan din ang hindi nakatanggap ng ayuda
“Pasensiya na po kayo. Ginagawan naman ho namin ng paraan. Nagre-recalibrate po kami, ina-adjust po namin,” sabi ni Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na posibleng ipasa na lamang nila sa mga munisipalidad ang pagbibigay ng educational assistance upang mas mapabilis ang pamamahagi ng ayuda.
Bandang alas-7 ng umaga nang patigilin na ang pamamahagi dahil inabot na umano ang quota. Nagkaroon pa ng bahagyang tensiyon nang magpumilit pumasok ang ilan sa tanggapan para humingi ng ayuda.
