Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Nation

Desisyon sa tunay na kinatawan ng Ang Bumbero partylist, hiniling

admin May 6, 2025

Ni Tracy Cabrera

ILANG araw na lang bago sumapit ang halalan, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list group ang kanilang pakiusap sa Commission on Elections (Comelec) na agarang ipasa ang resolusyon na nagbibigay sa kanila ng pagiging tunay na ligal na kinatawan ng sektoral na grupo ng mga first responder sa darating na halalan sa Mayo 12 upang tuluyang makahimlay para ipahinga ang kanilang ikatlong nominee na napaslang sa Maynila.

Ang unang nominado ng ABP na si Dr. Jose Antonio ‘Ka Pep’ Goitia ay gumawa ng matunog na apila kay Comelec chairman George Erwin Garcia dahil sinasabing ang kanilang grupo ay lehitimong party-list representative ng Ang Bumbero ng Pilipinas dahil sa katotohanang ang nasawing si Leninsky Bacud ang orihinal na nagtatag ng kanilang grupo.

“Sapat na ang isang buhay. Hindi na namin kayang pakawalan ang isa pa. Umaapela kami sa iyo, Commissioner Garcia, na ipasa agad ang resolusyon na nagbibigay sa amin ng nag-iisang ligal na representasyon ng Ang Bumbero ng Pilipinas party-list,” hiling ni Goitia. 

Buong tiwala tayo sa hudisyal na katawan ng Comelec na mananaig ang hustisya ngunit ilang araw na lang ang natitira bago ang halalan, pinunto nito.

Ibinunyag pa niya na si Bacud ay nagsampa ng kasong perjury at falsification of public documents sa Office of the Prosecutor sa Quezon City at Maynila laban sa sampung tao na umano’y nag-aangkin bilang mga bagong opisyal ng ABP. 

Sa reklamo, sinabi ni Goitia na pineke ng grupo ang pirma ni Bacud at lahat ng incumbent na miyembro ng board of directors na nagdedeklara na sila ay nagbitiw sa kanilang puwesto nitong nakaraang Pebrero 19, 2024.

Nilinaw nito na ang pagbibitiw ng mga lehitimong opisyal ng ABP ay naganap lamang sa panahon ng pangkalahatang pagpupulong at espesyal na regular na pagpupulong na may petsang Mayo 13, 2024, na ginanap bilang pagsunod sa Articles of Incorporation at by-laws ng ABP.

“Iyon ang oras na nagkaroon ng halalan at ako ay nahalal bilang bagong presidente ng ABP at si Bacud bilang bise-presidente” paghahayag nito. 

Ipinaliwanag din ni Goitia na kasama si Bacud nang naghain sila ng petisyon noong Oktubre ng nakaraang taon para kuwestiyunin ang ligalidad ng kabilang grupo na nagpapanggap na kinatawan din ng ABP.  

Itinaas ni Comelec 2nd Division presiding officer Marlon Casquejo ang kaso bilang default noong Enero 17, 2025 dahil sa hindi pagharap ng mga petitioner sa nararapat na abiso ng petsa at oras ng pagdinig.

Samantala, nag-alok ng isang milyong pisong pabuya ang ABP sa mga makapagbibigay ng wastong impormasyon upang maaresto sa mabilis na panahon ang mga suspek at utak sa pagpatay kay Bacud.

“Mahigpit naming kinondena ang pagpatay kay Bacud bilang isang masamang pag-atake hindi lamang sa aming kasama kundi pati na rin sa buhay ng lahat ng fire volunteers at rescuers na ang layunin ay pagsilbihan at protektahan ang kanilang mga kababayan sa oras ng insidente ng sunog at iba pang kalamidad,” mariing wika ni Goitia. 

Post navigation

Previous Philippine Coast Guard escorts Chinese research vessel out of EEZ
Next NAIA Terminal 1 bollards under investigation after deadly accident

Related Stories

Marcos announces higher, broader PhilHealth maternity benefits starting April 30
  • Nation

Marcos announces higher, broader PhilHealth maternity benefits starting April 30

ASEAN youth lawmakers urged, “Turn solidarity into legislative action”
  • Nation

ASEAN youth lawmakers urged, “Turn solidarity into legislative action”

Zaldy Co seeking asylum in France, now under its jurisdiction — Palace
  • Nation

Zaldy Co seeking asylum in France, now under its jurisdiction — Palace

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.