NAG-ISYU ang Senado ng arrest warrant laban kay dating budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao matapos nitong balewalain ang pagdalo sa imbestigasyon sa sinasabing pagwaldas sa pandemic funds.
Kinasuhan ng contempt si Lao nitong Huwebes dahil sa hindi na naman pagdalo sa ika-14 araw ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee. Apat na beses nang hindi dumadalo sa sesyon si Lao, ayon sa arrest order.
Nauna nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na hindi sakop si Lao sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pagdalo ng mga government officials sa executive branch sa ginagawang Senate hearings.
Ayon sa Senate order, ipinaaaresto ng Senado dahil sa pagtanggi nitong dumalo sa mga hearing kaya’t nade-delay at nahaharang ang inquirty sa 2020 COA report at iba pang isyu sa paglabas ng pondo ng Department of Health (DOH) higit ang gastusin sa Covid.
Nakatakda ring idetine ang dating budget official sa Office of the Senate Sergeant-At-Arms hanggat makapagsumite ito ng dokumentadong subpoena, ayon sa mga senador.
Pirmado nina Blue Ribbon Committee chair Senador Richard Gordon and Senate President Vicente Sotto III and dokumento.
Nauna nang natuklasan ang paglustay ng may P42 bilyong pondo ng DOH na inilipat sa Department of Budget and Management’s procurement service (PS-DBM) nang walang tamang dokumentasyon.
