DUMALO si dating prisons chief Gerald Bantag sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice upang malaman kung maaari itong kasuhan sa pagpaslang kay radio broadcaster Percival Mabasa at ang umanong murder middleman na si Jun Villamor.
Idiniin ng pulisya si Bantag at ang deputy security officer nito na si Ricardo Zulueta sa likod ng pagpaslang kay Lapid kung saan binatikos nito ang ilang opisyal ng gobyerno.
Dumating si Bantag bandang ala-1 ng hapon at kumaway sa mga naghihintay na taga-media kasama ang abogadong si Rocky Thomas Balisong.
Sinabi ni Bantag na nagbigay sya ng counter-affidavit sa Baguio City prosecutor ngunit minabuti na ring dumalo upang makapagsampa ng karagdagang dokumento.
Kabilang sa dokumento ang motion for inhibition, kung saan pinatatanggal nito sa DOJ ang panel of prosecutors na hahawak sa kanyang kaso. Ito umano ay dahil sakop ng Ombudsman ang pagsasagawa ng imbestigasyon, ayon sa batas.
“Look at Article 11, section 13, paragraph 1 which gives the power of the Ombudsman to investigate all cases committed by public officials when it appears to be illegal, improper. Those cases fall between the jurisdiction of the Ombudsman to investigate. It doesn’t make any distinction whether this crime falls within the jurisdiction of the Sandiganbayan or the regular court,” ayon sa abogado ni Bantag.
Sa kanyang mosyon na mag-inhibit ang mga prosecutor, inamin ni Bantag na may “bad blood” sa pagitan niya at Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, na inakusahan na pinangungunahan nito ang kaso.
“Even before Bantag could be issued a subpoena, SOJ Remulla urged him to surrender already. He maliciously pictured him as a fugitive in his effort to get the public to condemn Bantag,” bahagi ng statement.
