NAGHIGPIT ang pamunuan ng House of Representatives ang matapos makatanggap ng banta ang ilang mambabatas at staff noong nakaraang linggo, ayon kay Secretary General Reginald Velasco ngayong Lunes.
Inumpisahan na ang paghihigpit sa labas at likod ng Batasang Pambansa complex katulad ng paghihigpit sa State of the Nation Address.
Hindi naman tinukoy kung sinong mambabatas ang nakatanggap ng banta ngunit hindi umano kasama rito si House Speaker Martin Romualdez. “Basta sinasabi lang na baka bombahin itong House of Representatives. We take all these threats seriously so we have taken special precautions,” sabi ni Velasco.
Iniutos rin sa House’s sergeants at arms na maghigpit sa mga pumapasok sa Kamara, partikular ang non-members of the House at non-employees.
Hinigpitan din ang seguridad matapos ang umano’y mga naka- motorsiklo na paikot-ikot sa lugar.
Hindi na rin pinapayagan ang mga nakamotorsiklo na mag-park sa harap ng gusali at naglagay na lamang ng parking area para sa mga ito.
