INIHAYAG ng Office for Transport Security (OTS) ang balasahan sa mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Lunes, Marso 6, bunsod ng mga iniulat na nakawan sangkot ang mga tiwaling kawani.
Ito’y ayon kay OTS Administrstor Ma O. Aplasca, makaraang muli siyang nag-ikot sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Muling binalikan ni Aplasca ang pinangyarihan ng insidente ng pagnanakaw ng isa nilang tauhan sa isang Thai National noong Pebrero 22.
Ayon sa OTS Chief, partikular sa babalasahin ang Airport Security Screening Office kung saan nakatalaga ang mga inirereklamong tauhan nito.
Magugunitang dalawang beses nasangkot sa pagnanakaw ang mga tauhan ng OTS kung saan ang pinakahuli ay ang nangyaring pagnanakaw ng relo mula sa isang Chinese national.
