Photo: Sean Buencamino
SIYAM ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Karding’. Ito ay mula sa limang unang naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC, sa siyam na nasawi, lima ang miyembro ng rescue team na nalunod sa San Miguel, Bulacan.
Dalawa sa nasawi ay mula Zambales, isa sa Quezon at isa sa Bataan, ayon pa sa NDRRMC. Patuloy pa ring nagsasagawa ng report ang departamento para sa karagdagang report.
Tatlo pa ang iniulat na nawawala sa Mercedes, Camarines Norte.
Sa ulat ng alas-8 ng umaga ng Martes, sinabi ng NDRRMC na umaabot sa 60,817 katao o 16,476 pamilya ang apektado ng bagyong ‘Karding’.
Ang mga ito ay mula sa 948 barangays sa Ilocos Region, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa apektadong katao, sa 46,008 ay 12,352 ang nananatili sa 976 evacuation centers habang 5,803 naman o 1,648 pamilya ang nasa ibang evacuation center.
Umaabot naman sa inisyal na P3 milyon ang napinsala sa imprastruktura sa Mimaropa.
Sa agrikultura, P1.525 milyon naman ang napinsala sa Cordillera.
