MATAPOS tanggihan ang kahilingan ni suspendidong Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.’s na political asylum, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroon lamang 5 limang araw para umalis ng naturang bansa ang mambabatas.
Ayon umano sa batas ng Timor-Leste, matapos tanggihan ang kahilingang asylum, ay limang araw lamang ang palugit na ibinibigay ng naturang bansa upang umalis si Teves o umapela matapos ilabas ang desisyon.
Kinumpirma ng DFA na nasa Dili, Timor-Leste si Teves kung saan ito nagsumite ng aplikasyon para sa political asylum.
Idinawit ang mambabatas sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 4 at hindi pa bumabalik ng bansa sa kabila ng pagpaso ng kanyang personal travel authority noong Marso 9.
