BINIGYAN lang ng 24-oras na palugit si 3rd District of Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves para lumutang at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Patuloy na nasa ibang bansa si Teves. Natatakot umano siyang bumalik ng bansa dahil sa banta sa kanyang seguridad sa kabila ng pagkawala na nang bisa ng kanyang travel leave.
“We gave him 24 hours to appear in our committee. Otherwise, sanctions will be based on his non-appearance,” sabi ni Espares sa media.
“But once he appears before our meeting tomorrow, our decision has nothing to do with disciplinary action given that he appeared before us,” dagdag pa nito.
Bukas, Martes, ng alas-4:00 ng hapon ay kailangang lumutang ni Teves sa Ethics committee.
Hindi pinahintulutan na magsagawa ng committee hearing sa pamamagitan ng video conference ang Kamara. Ito ay matapos magdaos ng press conference ang legal team ni Teves at sinabing dadalo ang kanilang kliyente sa pamamagitan lamang ng video con.
