Photo Courtesy MindaNews
SUSPENDIDO pa rin ang tradisyunal na Traslacion sa Enero 2023.
Ito na ang ikatlong taon na walang prusisyon ang Feast of the Black Nazarene dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Sa panayam sa radio, sinabi ni Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez na patuloy pa rin ang anumang aktibidad sa kapistahan tulad ng paghipo sa imahen ng Black Nazarene sa halip na “Pahalik,” sa Quirino Grandstand.
“Bagamat walang tradisyunal na prusisyon, ay ang lahat ng ating nakagawiang aktibidades na may kinalaman sa Kapistahan ng Itim na Nazareno ay matutuloy po,” sabi ni Valdez said.
Oras-oras na misa sa Quiapo Church ay magpapatuloy mula alas-12 a.m. sa January 9 na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Magkakaroon din ng misa sa ibang ibang simbahan sa Metro Manila at iba pang panig ng Luzon para sa mga hindi makapupunta sa Quiapo Church.
“Ang aming layunin ay kung hindi makapupunta para sa Traslacion, ay ang Nazareno na mismo ang tutungo sa kani-kanilang lugar at simbahan,” ayon pa kay Valdez.
Sinabi nito na minabuti nilang suspendihin muli ang Traslacion upang maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo Church dahil sa pananatili pa rin ng pandemya ng Covid-19.
