SUMUKO ang isa sa suspect sa pagdukot sa wallet ng ina ng aktres na si Nadia Montenegro sa loob ng membership shopping store sa Novaliches, Quezon City.
Kinilala ang suspect na si Romeo Miranda, sinasabing driver ng grupo.
Personal itong nagtungo sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDG) sa Camp Karingal, ayon sa report ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB nitong Saturday.
Isinasagawa pa rin ang paghahanap sa nalalabing suspect.
Nakuha ng grupo ang halos P130,000 cash ng ina ng aktres. Umabot lamang umano ng halos tatlong minute para malimas ang pera ng biktima.
Sinabi ng biktima napinalibutan sya ng grupo na nasa pito katao sa loob ng S&R membership shopping store sa Novaliches.
Nakuha ng mga suspect ang wallet ng biktima na mayroong P10,000 cash at ATM card. Umabot din sa P20,000 at P67,000 ang naiwithdraw ng mga ito sa bangko ng biktima.
