Muli na namang binulabog ng sunog ang Block 10 at bahagi ng Zone 6 at Zone 7 ng Block 41 sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, Biyernes ng ala-1:57 ng hapon. Agad nagkaroon ng bayanihan sa mga residente bago pa man dumating ang mga bumbero at volunteer para apulahin ang apoy. Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog bago naapula. Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire and Protection ang insidente.
Video courtesy: Fiona Decano/Photo courtesy Anjo Pontanares
