ABU’T ABOT ang pasasalamat ng mahigit sa 16,000 mga senior citizen sa lungsod ng Pasig makaraang ihayag ng pamahalaang na makakatanggap na sila ng pensyon mula sa city hall, ayon sa tanggapan ng Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA.
Nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto na inilunsad nila ang programa para sa pamamahagi ng local pension para sa mga senior citizens upset mabigyan ng kaunti tulong at pagkilala na rin sa mga kontribusyon sa lipunan ng mfa may edad na at nakatatanda sa lungsod.
Hinayag ni Sotto na sa datos ng pamahalaang lungsod, may 16,669 seniors ang na-validate na at makakatanggap ng 500 pesos kada buwan simula ngayong buwan ng Hulyo.
Ang mga kuwalipikado na tumanggap sa local pension na ito ay ang mga may edad na 65 taong gulang pataas na may dalawang taon nang nakatira sa Pasig, walang trabaho at
wala ding natatanggap na ayuda o pensyon maliban sa ipinapamahagi ng Department of Sowial Welfare and Development (DSWD).
“Uunahin muna natin ang mga senior citizen na nasa laylayan ng lipunan na talagang salat sa kanilang pangangailangan, partikular na sa kanilang mga medisina at pagkain dahil sa ang ating sandigan mula sa ating pinagmulan,” ani Sotto.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang alkakde sa may akda ng Pasig Senior Citizen Code sa pangunguna ni konsehal Edith Santiago at mga tauhan nito atvgayun din sa Office of the Senior Citizens’ Affairs at ang Mayor’s Office Legislative Team ng Pasig City.
Para sa mga nagnanais ng karagdagan o kumpletong detalye ukol sa programang ito, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng Pasig City Public Information Office na https://www.facebook.com/PasigPIO.
