NAGLABAS ang Quezon City Police District (QCPD) ng mga larawan ng dalawa sa mga persons of interest na nang-ambush sa Remate photojournalist sa Quezon City noong June 29.
Sa press conference, inilabas ni QCPD chief Police Brigadier General Nicolas Torre III ang mga larawan na kuha sa CCTV footage bago ang ambush.
Sinabi ni Torre na may kaalaman na sila sa pagkakakilanlan ng mga ito.
“Alam ko nanunuod sila. So I really think it is best for their interest to just surrender. I think they are outside Metro Manila. Yung iba sa kanila outside Metro Manila,” sabi ni Torre.
Noong June 29, si Rene Joshua Abiad, photographer ng Remate Online, ay sakay, kasama ang ilang kaanak, ng isang SUV sa Barangay Masambong nang harangin ng isang kotse ang kanilang sasakyan.
Dito ay lumabas ang gunman at pinaputukan ang sasakyan ng mga biktima.
Nakita rin sa CCTV footage ang isang lalaking nakamotorsiklo na nagsilbing lookout.
Anim pang biktima ang nasugatan kasa,a ang tatlong minor.
Namatay ang apat na taong gulang na pamangkin ni Abiad na tinamaan ng pala sa ulo, pagkumpirma pa ng QCPD.
